kinse

Ma. Chinkee A. Parco

Wednesday, February 02, 2005

unang karanasan sa hayskul.

unang lasap ng hayskul ay sadyang napakatamis pagnilaynilayin..sa mga hirap at sarap, sa pag-ire at paglabas,sa mga pagluha at sabay ng pagtawa,sa mga pagkusot ng labada at pagbili ng internet card..kung ating iisipin ang bilis naman ng hayskul..dati unang pasok ko sa hayskul para akong taluhod na d ko alam ang tamang ayos ng necktie at kasama ko pa ang nanay ko na parang bodyguard ko sa laki ng katawan at higit sa lahat hindi ko alam ang papuntang iskwelahan namin..
sa unang pagharap ko sa Buhay Hayskul tiningnan ko muna kung paano ang tamang ayos ng necktie at siempre d mawawala ang paghawi ko sa aking bangs.. sa simula pa lang para na akong nawawala sa kawalan dahil lagi akong titingin sa kaliwa ,sa kanan,sa taas,sa baba,sa likod,sa harap at pati na rin sa mukha ng mga *papa*..
*krriiingg* napamulagat ako sa tunog na iyon..nagtatanong ang aking mata at sabay pikit pikit pa..hindi ko alam ang ibig sabihin ng tunog na iyan alas siyete siguro ng umaga noon nandoon lang ako sa silyang kinauupuan ko na katabi ang last last last classmate bale grade 3 ako noon..hindi ko naman kinikibo sabay hawi sa bangs ko ..nagkakaingay na ang mga estudyante noon at ako palingon lingon lang ngingiti tapos sisimangot lilingon ngingiti sisimangot un na lang yata ginawa ko buong oras na iyon..nawala na ako balik tayo sa may *kring*ayon nga..dahil nga walang pang mga kaalamanan sa mundo ang mga perst year walang may alam simula na ba ng klase o ano man un,biglang pasok ng isang guro namin..si Mrs. Arcilla, maputi at laging nakamake-up na guro siempre d mawawala ang poise nito..sinabi samin nito na bumaba na kaming lahat dahil plag seremone na *ayon gumalaw na ako* bumaba na kami..
*tigil ko na kwento dito dahil d ko na maalala ung unang plag seremone ko*
naalala ko pa ang mga pinag gagawa ng isang batang ligaw ang utak at laging wala sa sarili(sige ako na iyon!)naninibago pa ako noon kaya ayon lagi akong nakatanaw at halos d ko marinig ang mga dakdak ng guro ko dahil sa mas maingay pa ang tambutso ng sasakyan..lagi akong nakatanaw sa kabilang eskwelahan na mukang preso..habang siyang siya ako sa pagtunganga at pagpapapanis ng laway nang bigla na lang akong tinawag ng guro ko siempre ang walang kamatayan na reaksiyon ko nagulat na naman ako..napatingin ako sa mukha ng guro ko na nagmukhang duwende sa paningin ko..*uhuh*may tinanong siya saken na tinugon ko lang nang pagtitig sa kaniya dahil wala pa akong kilala noon ay walang suporta sagot..dahil sa walang masagot,ang sabi na lang ng guro ko ay"who wants to help Ms. chinkee?" ayon naupo na ako at tinapunan ng masamang titig ang bruha kong kaklase na nagmamaganda na nag taas ng kamay at nagulat na lang ako sa sagot..*ang sagot ay "tubig"*
bagong pasok siempre bagong gamit nanjan kumpletong kumpleto ako may intermediate paper 1/2 crosswise1/2 lenghtwise at 1/4 sheet of paper at bagong bag notebook at libro..ang bag ko pa noon ay garfield*na pinagmamalaki ko pa noon* na nakalimutan ko pang tanggalin ang tag price na napansin ng kaklase ko!...laging naka arrange ang gamit ko from lower to higher..pagpasok ko ng eskwelahan hindi ko nakakalimutan ang pagpapaipit ko ng buhok ko sa mama ko dahil timang nga ako noon..

itutuloy ko na ang kwento ng makasaysayang buhay ni Lam-ang Jr. the III..dahil sa may magagandang loob na nakipagkaibigan saken ay nagkaroon naman ako nang kaibigan*singhot sabay singa* nagkaroon naman ako ng kaibigang kakwentuhan ,kaaway ,kaiyakan, katawanan at kabastusan..maraming bagay naman akong natutunan sa nangyari saken ng perst yer..
Read the following erasures means wrong:
1. natuto ako ng tamang pagnenecktie
2. hindi maganda ang magkaroon ng bangs o lawit sa buhok
3. matutong magsalita at wag magpanis ng laway
4. maglabas muna ng masamang bagay sa katawan bago pumasok
5. laging maligo araw araw hindi tuwing papasok lang
6. wag masyado magdala ng papel dahil madaming aasa sa iyo
7. maging mabait
8. no alliteration at past the paper on the count of 10
>>ayan sa makakabasa ng aking blogspot maraming salamat po sa pagbasa ng walang kwentang ito pero siguradong kapupulutan ng ginto at pilak na aral na dito niyo lang mababasa..salamat po!pahabol:inbayt ninyo ako sa
mailto:chin@chin.com

1 Comments:

  • At February 4, 2005 at 7:22 AM, Blogger -YuNa- said…

    waging wagi ang blog mu ah:d tamang tama ang mga advice kaya lang sana tinali mu nalang yung necktie mu sa garter tapos isuot mu nlng para mas madali :D maski ako kasi nahirapan din sa necktie namin eh T-T & exact same thing nangyari sa akin nung 1st yr hs me...tulala at nakatingin sa kawalan :D hehehehehe minsan kung mamalasin nakakatulog habang nagdidiscuss yung teacher namin kaya nung christmas party ang binigay sa akin na exchange gift.... alarm clock T-T

     

Post a Comment

<< Home